Miyerkules, Marso 28, 2012

Mga Manunulat na Pilipino


1.Lope K. Santos

 (Setyembre 25, 1879 – Mayo 1, 1963) ay isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon. Bukod sa pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na "Ama ng Pambansang Wika at Balarila" ng Pilipinas. 

Sa larangan ng panitikan
Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C. Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan, upang maipakita ang pagiging makabayan. Nakamit niya ang pagkakaroon ng kadalubhasaan sa sining mula saColegio Filipino (Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang Pambansa. Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.

 2.Ferdinand E. Marcos

Mananatili ang bangungot sa Filipinas hangga't hindi naisusulat nang ganap ang panahon ng diktadura ni Pang. Ferdinand E. Marcos. Si Marcos ang ultimong politiko na bihasa sa paghawak ng kapangyarihan, ang kapangyarihang tatagos sa negosyo, militar, simbahan, edukasyon, mass media, barangay, sining, isports, turismo, ugnayang panlabas, timpalak pangkagandahan, imperyalismong US, rebolusyon, at ang pinakasukdulan ay ang Aklasang Bayan sa EDSA. Ngunit hindi basta diktador si Marcos. Isa siyang intelektuwal na diktador, de-kalibre at pandaigdigang uri, na kaiinggitan nina Fidel Ramos at Gloria Macapagal-Arroyo. Maalam sa mga batas mulang pamahalaang lokal hanggang United Nations si Marcos, at magiging alamat ang kaniyang husay bilang abogado, mambabatas, at kung minsan, hukom, sa kinabukasan ng kaniyang mga alagad at kalaban. Upang mapanatili ang kapangyarihan, ipakikilala ni Marcos sa buong sambayanan ang Batas Militar. 

Pangunahing tesis ng pagtataguyod ng Batas Militar ang pagsugpo sa armadong pag-aaklas mulang dulong kaliwa hanggang dulong kanang puwersa; ang pagsupil sa mga armadong Morong ibig magtaguyod ng bukod na nasyon; ang pagkontrol sa mga pribadong hukbo, oligarkikong ekonomiya, at sindikatong kriminal. At higit sa lahat, ang paglutas sa piyudal na ekonomikong sistema. Hindi ko nakita ang ganitong kasinop na malikhaing pakana sa kasalukuyang administrasyon, na handang lumagda sa tratado na parang ang "tratado" ay isang banyagang lahok sa diksiyonaryo; na handang mag-alaga ng mga niresiklong politiko o negosyanteng animo'y galing sa kung saang pasugalan; na handang makipagsayaw sa simbahan na para bang umiiral pa ang panahong piyudal. 

Maghahain si Marcos ng bagong pilosopiya at ideolohiya, at itatatag ang "Bagong Lipunan." Ngunit gaya ng dapat asahan, magbabago lamang ang mga pangalan ng maykapangyarihan, at ang "bago" ay mananatili hanggang ngalan lamang. Kakainin si Marcos ng sarili niyang mga tuta, mga tuta na higit na mabalasik sa bulldog at handang lamunin ang kaniyang anino, kayamanan, at alaala. Isusumpa si Marcos hanggang langit, patatalsikin ng libo-libong Filipino na sawa na sa dahas at korupsiyon, itatakas nang palihim ng kasapakat ngunit taksil na hukbong Amerikano tungong Hawai'i, lilitisin sa hukuman ng Amerikang nais sakupin ang hurisdiksiyon ng Filipinas, mamamatay nang malayo sa Tinubuang Bayan, at maglalaho nang tahimik sa gunita ng kaniyang mga loyalista. Subalit ang kataka-taka'y hindi pa nalilitis nang lubos ang pamanang iniwan niya sa sambayanan magpahangga ngayon. 

Si Imelda na kabiyak ni Marcos ang magpapagunita sa atin ng nakaraan. Ididikdik niya sa ating utak ang ringal sa gitna ng kagutuman, ang halimuyak sa gitna ng mga langaw at alingasaw ng kamatayan, ang halina sa gitna ng panggigipit at di-maipaliwanag na balasik ng militar. Ipagugunita ni Imelda ang pangingibang-bayan ng mga Filipino para magtrabaho. Ibabalik niya sa atin ang mga impraestruktura mulang ospital hanggang plantang nuklear, ang patakarang kolonyal sa bisa ng pakikipag-alyadong militar sa Amerika, at ang pagbabantay ng mga isla laban sa mga kapit-bansa sa atas ng kalayaan o kasarinlan. Libakin siya, at kabitan ng mga pangalan, gaya ng "Imeldipiko" o "Imeldious," ngunit isang ngiti lamang niya ay sapat na upang maging sampal sa nanlilibak. Hihiyain tayo ni Imelda dahil sa ating uri ng katarungang usad-pagong, sa ating uri ng makitid, panlabas na kasaysayan, sa ating ekonomiyang walang malinaw na bisyon, at sa ating uri ng panitikang-bayang hindi makaigpaw sa pagsipi sa mga pahayagan. 
Marahil kailangan nating lumikha ng higit na makabuluhang panitikan. Ang panitikang makaiiral nang bukod sa kasaysayan, at mababaligtad ang mga bayani at ang mga salarin, at mapaghuhunos ang bayang nanggigitata sa hirap at pandurusta. Na masasabing ambisyosong proyekto. Naisip ko lamang ito habang tumotoma at kapiling si Teo, at kapuwa namin nadama ang paghahanap ng mga istoryador at panitikero, na handang magsulat sa Filipino para sa mga Filipino, may bagyo ma't may rilim sa ating mga puso't paningin.



3.Francisco Baltazar (Abril 2, 1788Pebrero 20, 1862),

Mas kilala bilang Francisco Balagtas, ay tinuturing bilang isa sa mga magagaling na Pilipinongmanunula. Florante at Laura ang kanyang pinakakilalang obra maestraSi Francisco Baltazar ay ipinanganak noong Abril 2, 1788 sa Panginay, Bigaa, Bulacan. Tinatawag rin siyang Kiko at Balagtas. Ang mga magulang niya ay sina Juana dela Cruz at Juan Balagtas at ang mga kapatid rin niya ay sina Felipe, Concha at Nicolasa. Pumasok siya una sa paaralang parokyal sa Bigaa, kung saan siya'y tinuruan tungkol sa relihiyon. Sunod, naging katulong siya ni Donya Trinidad upang makapagpatuloy siya ng kolehiyo sa Colegio de San Jose sa Maynila. Pagkatapos, nag-aral naman siya sa Colegio de San Juan de Letran at naging guro niya si Padre Mariano Pilapil.

.

Buhay Bilang Isang Manunulat

Natuto siyang sumulat at bumigkas ng tula dahil kay Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) na kinikilalang pinakabantog na makata sa Tondo. Si Jose dela Cruz ay nagsilbing hamon kay Kiko para higit na pagbutihin ang pagsulat ng tula. Anupa't kinalaunan ay higit na dinakila si Kikong sa larangan na panulaan.
Taong 1835 nang manirahan si Kiko sa Pandacan, Maynila. Dito niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Ang marilag na dalaga na nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang tinawag na "Selya" at tinaguriang M.A.R. ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at Laura. Naging karibal niya si Mariano "Nanong" Capule sa pagligaw kay Celia, isang taong ubod ng yaman at malakas sa pamahalaan. Dahil sa ginawa niya sa pagligaw kay Celia, ipinakulong siya ni Nanong Capule para hindi na siya muling makita ni Celia. Habang nasa kulungan siya, ipinakasal ni Nanong Capule si Selya kahit walang pag-ibig nadarama si Selya para kay Nanong Capule. Doon sa kulungan, isinulat niya ang Florante at Laura para kay Selya. Noong 1838, nakalaya na siya sa kulungan at pumunta na siya sa Udyong, Bataan. Doon, nagkaroon siya ng 11 anak kay Juana Tiambeng.

4.Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan (Agosto 30, 1850 - Hulyo 4, 1896)
 Kilala rin bilang ang "Dakilang Propagandista", ay isang ilustrado noong panahon ng Espanyol. Ang kanyang pangalan sa dyaryo ay Plaridel. Binili niya kay Graciano Lopez Jaena ang La Solidaridad at naging patnugot nito mula noong 1889 hanggang 1895. Dito niya isinulat ang kanyang pinakadakilang likha ang La Soberania Monacal en Filipinas at La Frailocracia Filipina. Isinulat rin niya ang “Dasalan at Tuksuhan” na tumitira sa mga mapang-abusong prayle.

Isinilang si del Pilar sa isang nayon sa Cupang, San Nicolas, Bulacan noong Agosto 30, 1850. Siya ang bunso sa sampung magkakapatid ng mayamang pamilya nina Don Julian del Pilar, isang gobernadorcillo at Doña Blasa Gatmaitan. Hilario ang dating apelyido ng pamilya niya. Ang apelyido ng pamilya nila'y isina-Kastila bilang pagsunod sa kautusan ng Gobernador-heneral Narciso Claveria noong 1849. Ang kanyang kapatid na si Padre Toribio H. del Pilar ay isang pari na ipinatapon ng mga Kastila sa Guam noong 1872.
Si del Pilar ay nagsimulang mag-aral sa kolehiyong paaralan ni Ginoong Jose A. Flores at lumipat sa Colegio de San Juan de Letran at muling lumipat saUnibersidad ng Santo Tomas kung saan huminto siya ng walong taon sa pag-aaral pero natapos din sa kursong abogasya noong 1880. Noong Hulyo 1, 1882, itinatag niya ang Diariong Tagalog (ayon kay Wenceslao Retana, isang Kastilang manunulat, ang unang labas ay inilathala noong Hunyo 1, 1882) kung saan binatikos niya ang pang-aabuso ng mga prayle at kalupitan ng pamahalaan. Humingi siya ng mga kaukulang pagbabago. Ilan pa sa kanyang mga isinulat ay ang mga sumusunod: Dudas, Caiingat Cayo, Kadakilaan ng Diyos, Dasalan at Tuksuhan, Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas,Pasyong Dapat Ipag-alab nang Puso ng Taong Babasa, La Soberania Monacal en Filipinas, at La Frailocracia Filipina. Nakipag tulungan si Marcelo sa kaniyang mga kakampi upang mapatalsik nila ang mga kalaban.

Noong 1888, sumulat siya ng manipesto na naglalayong patalsikin ang mga prayle sa Pilipinas, na nilagdaan ng 810 katao sa isang pambayang demonstrasyon at iniharap sa Gobernador ng Maynila. Ipinagtanggol din niya ang mga sinulat ni José Rizal kagaya ng Noli Me Tangere laban sa mga prayleng sumasalakay rito. Nang pinag-uusig siya ng mga Kastila at noong 1888, tumakas siya patungo ng Espanya sanhi ng kanyang panawagang pagpapatapon sa Dominikanong Arsobispo Pedro P. Payo.
Pagdating sa Espanya, pinanguluhan niya ang pangkat pampulitika ng La Asociacion Hispano-Filipino (Ang Samahang Kastila-Pilipino) noong Enero 12, 1889, isang samahang pambayan na binubuo ng mga Pilipinong propagandista at mga kaibigang Kastila sa Madrid upang manawagan sa pagkakaroon ng pagbabago sa Pilipinas. Pagkatapos, pinalitan niya si Graciano Lopez Jaena bilang editor ng La Solidaridad noong Disyembre 15, 1889, isang pahayagang pampulitika na inilathala minsan tuwing ikalawang linggo na siyang nagsilbi bilang tinig ng Kilusang Propaganda. Naglathala din siya ng mga liberal at progresibong artikulo at sanaysay na nagbunyag sa kalagayan ng Pilipinas.
Labis na naghirap si del Pilar sa pagpapalimbag ng La Solidaridad. May panahong hindi kumakain at may panahong hindi natutulog ang manunulat. Upang makalimutan ang gutom, may panahong namumulot siya ng mga nahithit na sigarilyo sa mga daan. Ang pondo para sa pag-papalimbag ng pahayagan ay paubos na. Malaking suliranin sa kanya ang walang tulong pinansyal na dumarating mula sa Pilipinas dahilan kung bakit huminto ang paglalathala ng pahayagan noong Nobyembre 15, 1895 sanhi ng kakulangan sa pondo. Kahit gaano ang hirap na dinadanas niya, nagpatuloy pa rin siya sa pagsusulat para sa ikalalaya ng Pilipinas.
Katulad ni Andres Bonifacio, naniwala siya sa paghihimagsik. Dahil dito, nagpasya siyang umuwi ng Pilipinas upang tumulong kay Bonifacio. Sa Barcelona ay nagkasakit siya ng tuberkulosis. Malubha man ang kalagayan ay tinangka pa ring magtungo sa Hong Kong upang doon man lang ay mapakilos niya ang kanyang mga kababayan. Ito'y di na niya naisagawa sapagkat namatay siya sa isang maliit na ospital sa Barcelona, Espanya noong Hulyo 4, 1896 sa gulang na 45.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento