Isa sa mga uri ng panitikan ay ang tula.Ang tula ay panitikang nagbibigay
sa ritmo ng mga tunog,paglalarawan,at mga paraan ng pagbibigay ng karunungan.
Andito ang ilan sa mga halimbawa ng mga tula:
Unang Tula:
Ang Sariling Wika
I
Kailangan yunay ng bansang malaya
Pambansaang mithiin ay magtamong-pala;
Ingatang mahalin ang sariling wika,
Na tatak at buklod sa puso at diwa.
II
Mga pilipinong animo`y banyag
Pilit binibigkas dayuhang salita;
Ikinararangal ang maling akala,
Kahit ang sa atin walang magpala.
III
Ito ang panahon na dapat pansinin
Ang malabanyagang mga dila natin ;
Ang sariling wika`y ating pagyamanin,
Ating idambana at laging gamitin.
IV
Wikang Pilipino`y kaytimyas bigkasin
Kaiga-igaya`t tibok ng damdamin
Kaya dapat lamang na pakamahalin,
Linangin,itampok at palaganapin.
Pangalawang Tula:
Ina
I
Kadakilaan mo`y akin ng natalos
Simula pa noong ako`y isang musmos;
Pag-aaruga mong di nmatapus-tapos
Aking nasilaya`t nalaman kong lubos.
II
Ang iyong kalbaryo`y sa akin nagmula
Nang ako`y lumaki`t iyong pinagpala;
Sa kaylangan ko`y di ka nagpabaya,
Sa pagkukulang ko,ikaw`y nagparaya.
III
Ang mabuting gawi`y itinuturo mo
At iniwawasto ang maling kilos ko;
Pag-ibig sa Diyos,nakintal sa ulo,
Iyong panuntunan`y mahalin ang tao.
IV
Pinanindigan mong ako ay mag-aral
Gayong batid ko nang tayo`y walang yaman;
Pati itong gabi`y ginawa mong araw
Upang matrikula iyong matugunan.
V
Maraming taon na itong pinagtitiis
Bago nasuklian ang hirap at sakit;
Ngunit bakit kaya ang naging kapalit
Ay ang panghihina ng katawan pipis?
VI
At hindi naglaon,ikaw ay pumanaw,
Ang paghihirapmo`y di ko nagantihan;
Aanhin pa ngayon ang dunong ko`t yaman,
Kanino ko ito ngayon iaalay?
Reaksyon ukol sa mga tula:
Ang unang tula ay ukol sa wika,ipinahahayag nito na ang wika ay nakapahalaga sa isang bansa.Ipinahahayag din ng tula ang hinaing nito ukol sa mga tao na hindi marunong
magpahalaga sa sarili nitong wika na imbis mahalin ang sariling wika ay mas pinahalagahan pa ang ibang banyagang wika.Nakakalungkot isipin pero tunay na nangyayari lalo na sa panahon ngayon.
Ang pangalawang tula naman ay tukol sa isang Ina,ipinahahayag sa tula ang pagmamahal ng ina sa kanyang anak sa kabila ng mga paghihirap nito.Masayang isipin ang magulang ay inaalagaan ang kanyang anak sa kabila ng lahat ng hirap at sakripisyo ngunit nakakalungkot na kailangan nilang isakripisyo ang kanilang sariling kalusugan upang mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang anak.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento