Huwebes, Marso 15, 2012

Wika at Panitikan


                                                  Kapangyarihan ng wika.
     
          Ang wika ay napakabisang midyum para sa pakikipag-komyumnikyet.Itoy daan sa mas malinaw na pakikipag-ugnayan.dapat ang tao ay mag-ingat sa pagbibitaw ng mga salita dahil ang wika ay maaari rin maging sanhi ng di pagkakaunawaan.

 Ang wika ay mayroong mga kapangyarian,ito ay ang mga sumusunod:

1. ang wika ay maaaring makapagdulot ng ibang kahulugan.
2. ang wika ay humuhubog ng saloobin.
3. ang wika ay nag dudulot ng polarisasyon.
4. ang kapangyarihan ng wika ay siya ring kapangyarihan ng kulturang nakapaloob dito.
                                                        Panitikan
         Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan.Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan. Ang iliad ni Homer, ang isang halimbawa ng mga mabuting likhaing pampanitikang kanluranin, maging ang Aeneid ni Vergil.



                                        Ibat-Ibang Genre Ng Tekstong Pangpanitikan
        
          Dalawa ang panlahat na anyo ng teksto ayon sa anyo ng paggamit ng salita:ang prosa o patuyan at ang patula.Sa prosa,ang mga uri ng akda ay maikling kuwento,sanaysay,nobela,talambuhay,dula,pabula,alamat,talumpati,anekdota,ulat at iba pang nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.

        Ang patula naman ay naipahahayag ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.totoo ito sa ating tradisyunal ns pasulat ng tula bagaman at ngayon ay mayroon na tayong tinatawag na tulang free verse o malayang taludturang tula na ang mga taludtod ay hindi na nilalagyan ng sukat at tugma. Satula,ang mga akda ay ang kantahin,bugtong,salawikain,palaisapan at ang sari-saring tula.

Narito ang mga Prosa:

1.Pabula-ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga   hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.

 2.Alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito kuwentong bayan.  Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang "legend" ng ingles.

3.Maikling Kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."

4.Nobela-Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.

5.Sanaysay-ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.

                                  Dalawang Uri ng Sanaysay

Pormal o Maanyo
 Ang sanaysay na pormal o baguhan - sanaysay na tinatawag din na impersonal - kung ito'y maimpormasyon. katulad ng Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.Maanyo rin ito kung turingan sapagkat ito'y talagang pinag-aaralan. Maingat na pinili ang pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan, matalinhaga , at matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walang halong tangang pagbibiro.

Impormal o Di-pormal
Ang sanaysay na impormal o di-pormal ay mapang-lungkot, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang araw-araw at personal o isyung maaaring magpakilala ng personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya sa mga mambabasa. Idinidiin nito dito ang mga bagay-bagay ,mga karanasan ,at mga isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda ay maaaring empatihayan o kasangkutan ng mambabasang medya. Ang pananalita ay parang pinaguusapan lamang, parang usapan lamang ng magkakaibigan ang may-akda, ang tagapagsalita at mga mambabasa at ang tagapakinig , kaya magaan at madaling maintindihan. Palakaibigan ang tono nito kaya pamilyar ang tono dahil ang paunahing gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw.
6.Dula-ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong     itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na mga mandudula, dramatista.
7. Talambuhay-ay isang anyo na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento